Exam Reviewer: Araling Panlipunan (Part 3)

 

Continued from previous post.

 

 

5. Yamang-tubig

Iba’t ibang Yamang-Tubig

Bakit Mahalaga ang Tubig

Pangangalaga sa Yamang-Tubig

Combined Set for Yamang-Lupa and Yamang-Tubig

6. Magagandang Tanawin

 

Magagandang Tanawin sa Pilipinas

1. Lungsod ng Vigan — matatagpuan sa Ilocos, mga lumang bahay ang makikita dito. Kasama sa World Heritage List ng UNESCO.

Vigan
Photo from infocomrade.com

 

2. Hagdan-hagdang Palayan sa Banawe — palayang inukit ng mga Ifugao sa gilid ng bundok.

Hagdan-hagdang Palayan sa Banawe
Photo from destination360.com

 

3. Lungsod ng Baguio — malamig ang klima, maraming turista. Summer Capital ng Pilipinas.

 

Lungsod ng Baguio
Photo from edmarker.com

 

4. Ang Hundred Islands — matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan. Paboritong puntahan ng mga turista. Mahigit isangdaang pulo sa malinis na dagat.

Ang Hundred Islands
Photo by markmaranga.com

 

5. Ang Rizal Park o Luneta — napakalawak na parkeng matatagpuan sa Maynila. Kilala bilang “Bagumbayan” noong panahon ng Espanyol. Dito binaril si Dr. Jose Rizal.

 

Ang Rizal Park o Luneta
Photo by http://www.manila.gov.ph

6. Ang Las Pinas Bamboo Organ — organong kawayan na matatagpuan sa Simbahan ng St. Joseph sa Las Pinas.

 

Las Pinas Bamboo Organ
Photo from paraisophilippines.com

 

 

6. Ang Lungsod ng Tagaytay — malamig din ang klima, masarap magpiknik at mamasyal. Natatanaw dito ang Bulkang Taal.

 

Ang Lungsod ng Tagaytay
Photo from world66.com

 

7. Ang Talon ng Pagsanjan — pinakatanyag na pasyalan sa Laguna. Masarap mamangka sa ilog na mabilis ang agos patungo sa talon.

Talon ng Pagsanjan
Photo from fabulousphilippines.com

 

8. Bulkang Mayon — matatagpuan sa Albay. Maraming tao ang pumupunta dito upang makita ang perpektong hugis ng bulkang ito.

 

Bulkang Mayon
Photo from talakayanatkalusugan.com

 

 

9. Isla ng Boracay — Matatapuan sa Visayas. Putim-puti at malapulbos na buhangin sa dalampasigan nito. Dinarayo ng maraming turista tuwing panahon ng tag-init.

 

Ang Isla ng Boracay
Photo from farm4.static.flickr.com

 

 

10. Simbahan ng Pan-ay sa Capiz — matatagpuan din sa Visayas. Dito matagpuan ang pinakamalaking kampana sa Pilipinas.

Simbahan ng Pan-ay sa Capiz
Photo from photobucket.com/albums/v38/conniechiwa

 

11. Ang Krus ni Magellan — matatagpuan din sa Visayas. Ito ang krus sa Cebu na itinayo ni Magellan bilang simbolo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

 

Krus ni Magellan sa Cebu
Photo from juanguide.com

 

12. Ang Chocolate Hills — Matatagpuan pa rin sa Visayas. Dinarayo ng mga turista sa panahon ng tag-init dahil nagiging kulay tsokolate ang mga puno sa mga burol na ito.

 

 

Ang Chocolate Hills sa Bohol
Photo from yodisphere.com

 

13. Ang Tulay ng San Juanico — nasa Visayas din ito. Pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas na nagdudugtong sa mga lalawigan ng Leyte at Samar.

 

Ang Tulay ng San Juanico
Photo from blogneffy.blogspot.com